Sinubukan kong umuwi ng maaga galing sa dati kong eskwelahan. Inayos na ang mga gamit para sana mamaya ay tuloy-tuloy na ang pag-uusap namin kagaya ng dati. Hindi naman sa pagmamayabang, pero as of the moment eh wala akong inuwing trabaho from school.
Sandali lang, hindi ko pa pala nabanggit na isa pala akong guro. Hindi ko na sasabihin kung anong paaralan pero heto clue: kilala siyang paaralan sa lugar namin. Tinuturing kang mapalad na kabilang ka sa institusyong ito. Unang taon ko pala ng pagtuturo. Katatapos ko lang sa kolehiyo noong nakaraang Abril. Hehe. Sinubukan kong hindi maging pabigat sa mga magulang ko lalo na sa bayan sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho ng mas maaga. Hindi naman siguro kagarapalan yun, uhm let's say... maagap.
Well going back (enough of my introductions)...
Matapos kong magtanggal ng sapatos at magmano sa mga magulang kong nagkakanda-kuba na sa kakasilbi sa buong pamilya, ay dumeretso na ako sa harap ng computer. Hindi para maglaro kagaya ng mga ka-edad ko, kung hindi para tingnan kung online siya or hindi or kung kahit man lang nag-iwan siya ng comment sa lastest post ko sa private group naming dalawa (in which ako na lang ata nagpopost doon)- wala at hindi din siya online.
Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Maaga pa naman eh. Hehe. Pasado alas nueve na noong huling tingin ko sa orasan. Maaga pa naman eh. Lagpas alas dies na. Wala pa din. Tinext ko na siya. Nagmamag-asa na sana magreply man lamang siya. Kahit ano lang, basta magparamdam siya. Kahit tuldok lang.
Pasado alas onse.
Wala pa din.
Mabigat na mga mata ko. Pagod na pagod na mula sa buong maghapon sa labas ng bahay. Gusto na magpahinga ng katawan ko at pero hindi sumusuko si puso. Umaasa na anytime ay may bigla na lamang lilitaw na chatbox na may pangalan niya.
Wala.
Ngumiti na lamang ako. Katulad ng dati, nag-isip na lang ako ng mga dahilan kung bakit ganoon. Marahil ubos na ang charge ng laptop or cellphone niya. Marahil kasama niya mga kaibigan niya at hindi na siya nag-abala na i-check yung cellphone niya (if ever man may charge). Marahil hindi pa siya nakakauwi. Marahil nasa club siya, umiindak sa masayang tugtugin na nag-aalis ng stress siya (buti pa siya) at nakikipagkilala sa mga kababaihan. But survey says: Marahil tulog na siya.
Naisipan ko munang magpahinga ng ilang minuto. Isinara ko mga mata ko. Kadilat ko ay ala una na ng umaga.
FUCK.
Baka tulog na siya. Agad akong tumakbo sa computer at binuksan ito. Nag-iwan ako ng mensahe. Makalipas ang ilang minuto... shit... nag-reply na!
Goodnight na daw. And he went offline.
Tulog na siya.
Hindi ko na naman siya naabutan.
Matapos ang isang mahabang paghihintay sa kaniya, hindi ko din pala siya maaabutan.
Marahil hindi niya alam kung gaano ako naghintay para sa kaniya. Haha. Hindi na ako nasanay. Lagi naman ganito eh. Ako na lang lagi ang naghihintay. Minsan nga naaawa na ako sa sarili ko kasi mukha na akong tanga... naghihintay sa taong alam ko wala ng oras para sa akin minsan. Punyetang pag-asa yan.
Hindi niya alam marahil na mas inuuna ko pa siya kaysa sa mga dapat gawin. Na kahit alam kong may deadline na paperworks bukas, basta masilayan ko lang siya, hahanap at makakahanap ako ng paraan para lang maipasa yun kinabukasan makausap ko lang siya. Hindi niya alam marahil na meron pa akong klase ng alas siete kinabukasan.
Kahit naman dati pa. Kahit naman noong hindi pa kami ganito. Apat na taon ko siyang hinintay mapansin lang niya ako. At ngayon, pinaghihintay pa din niya ako.
Mahal ko siya. Sabi niya mahal din ako.
Iyon na lamang ang tanging pinanghahawakan ko sa mga pagkakataong ganito. Yun na lamang.
At heto ako sa harap ng computer na naman, binubuhos mga sama ng loob ko. Bukas o sa makalawa, ayos na naman kami. As usual.
At sa mga oras na wala siya, meron isang taong pinupuna ang pagkawala niya. Isang kabigan na alam kong hindi ko na kailangang hintayin. Dahil sa una pa lamang, hinihintay na niya ako. Bago nito, meron siyang pinakilalang manok sa akin at unicorn.
Anyway, pagod na mga mata... himbing na. Pero sana, gising ka na, please? :(
Little White Dress
Thursday, September 6, 2012
FIRST!
Okay. Breathe in... out.
Ready?
This has been my first after a long time. I thought I am going to give up on writing not until there came a man who made me realized that it will always be a part of my life. Actually, there are two of them.
Well, readers, I might treat this blog as my journal/diary since my mum would always fiddle my things and read mine. So just to keep my little privacy that I have in our little humble abode, instead of my usual Julia (name of my Diary) listening to my endless dramas about my shits of life, prepare to listen (read) a narrative of cliches of life of an average lady who once dreamt to be an extraordinary woman.
And the next posts are my stories...
P.S.
I am in love.
Ready?
This has been my first after a long time. I thought I am going to give up on writing not until there came a man who made me realized that it will always be a part of my life. Actually, there are two of them.
Well, readers, I might treat this blog as my journal/diary since my mum would always fiddle my things and read mine. So just to keep my little privacy that I have in our little humble abode, instead of my usual Julia (name of my Diary) listening to my endless dramas about my shits of life, prepare to listen (read) a narrative of cliches of life of an average lady who once dreamt to be an extraordinary woman.
And the next posts are my stories...
P.S.
I am in love.
Subscribe to:
Posts (Atom)